Biyernes, Enero 9, 2015

pang-abay

Ang pang-abay o adberbyo[1] ay mga salitangnagbibigay turing sa pandiwapang-uri o kapwa pang-abay. Mayroong siyam na mga uri ng pang-abay: angpang-abay na pamanahonpang-abay na panlunan,pang-abay na pamaraanpang-abay na pang-agampang-abay na panang-ayonpang-abay na pananggipang-abay na panggaano (tinatawag ding pang-abay na pampanukat), pang-abay na pamitagan,[2] at ang pang-abay na panulad.

Mga uri ng pang-abay[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga uri ng pang-abay ang mga sumusunod:

Pang-abay na pamanahon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may pananda ang nangsanoonkungkapagtuwingbuhatmulaumpisa, at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng kahaponkanginakaninangayonmamayabukassandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-arawtuwing umagataun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayoay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."[2]

Pang-abay na panlunan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak."[3] Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang sakina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang itinitindasa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan mo."[2]

Pang-abay na pamaraan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nangna, at -ng. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit."

Pang-abay na pang-agam[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahilsiguro,tilabakawariparang, at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Marami namarahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."[2]

Pang-abay na panang-ayon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitangooopotunaysadyatalaga,syempre at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."

Pang-abay na pananggi[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindidi at ayaw. Halimbawang pangungusap para rito ang "Hindipa lubusang nagamot ang kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".

Pang-abay na panggaano o pampanukat[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat, osukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga. Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang libra."[2]

Pang-abay na pamitagan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasad ng paggalang. Halimbawang pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"[2]

Pang-abay na panulad[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling sumayaw si Armando kaysa kay Cristito."[4]


pang-uri

Ang pang-uri ay isang salita na nag koconsist ng letra na P-A-N-G U-R-I
  1. == Kayarian ng pang-uri ==\
    May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
    • Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
    • Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
    • Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
    • Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.

    Uri ng pang-uri

    May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
    • Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
    • Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
      • Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.
    • Pantangi-sinasabi ang tiyak na pangngalan.
      • Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
      • Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
              • Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.